这是indexloc提供的服务,不要输入任何密码

Pumunta sa Content

Asul na shield na may puting G na icon.

Bawat produkto, mas ligtas sa lahat ng paraan

Bumubuo kami ng mga advanced na feature sa privacy at seguridad sa bawat produktong ginagawa namin. Mula sa mga awtomatikong update sa seguridad sa Chrome hanggang sa mga proteksyon sa phishing sa Gmail, idinisenyo ang lahat ng produkto ng Google para sa kaligtasan.
Play video Pause video
  • Icon ng Gmail

    GMAIL

    Awtomatikong bina-block ng Gmail ang mahigit 99.9% ng spam, mga pagtatangka sa phishing, at malware, bago ang mga ito makarating sa iyong inbox. Halimbawa, mahigit 120 milyong pagtatangka sa phishing ang bina-block araw-araw. Binabalaan ka ng mga proactive na alerto tungkol sa mga mapanganib na attachment at kahina-hinalang aktibidad. At naka-encrypt ang lahat ng iyong mensahe habang naka-store at habang ipinapadala.

    Visual ng isang email sa Gmail sa screen ng smartphone, na nagpapakita ng alertong panseguridad para sa isang potensyal na pagtatangka sa phishing. Visual ng isang email sa Gmail sa screen ng smartphone, na nagpapakita ng alertong panseguridad para sa isang potensyal na pagtatangka sa phishing.
  • Icon ng Chrome

    CHROME

    Mag-browse nang walang takot dahil nade-detect at naba-block nang real time ang mga mapanganib at mapanlinlang na website, file, at app, sa tulong ng Google AI. Proactive kang binabalaan ng Pag-check sa Kaligtasan tungkol sa mga potensyal na isyu sa seguridad sa iyong mga password o extension. Puwede mong i-personalize ang iyong privacy gamit ang aming intuitive na Gabay sa Privacy, at madaling i-clear ang iyong history ng pag-browse at iba pang data. At patuloy na tinitiyak ng Chrome na mayroon ka ng mga pinakabagong update sa seguridad.

    Visual ng screen ng smartphone na gumagamit ng Chrome browser, na nagpapakita ng alerto tungkol sa isang mapanganib na site, kasama ang mga inirerekomendang susunod na hakbang at link para matuto pa tungkol sa babalang ito. Visual ng screen ng smartphone na gumagamit ng Chrome browser, na nagpapakita ng alerto tungkol sa isang mapanganib na site, kasama ang mga inirerekomendang susunod na hakbang at link para matuto pa tungkol sa babalang ito.
  • Icon ng Gemini

    GEMINI

    Kapag ginamit mo ang Gemini, may mga pag-iingat para makatulong na ma-block ang mapaminsalang content. Mayroon ding mga tool na madaling gamitin para masuri ang impormasyon sa mga sagot ng Gemini. Puwede mong bisitahin ang Hub ng Privacy anumang oras para malaman ang tungkol sa kung paano ginagamit ang iyong data o i-access ang iyong mga setting ng privacy para baguhin ang panahon ng iyong awtomatikong i-delete at higit pa.

    Visual ng screen ng smartphone na nagpapakita ng Gemini Live. Visual ng screen ng smartphone na nagpapakita ng Gemini Live.
  • Icon ng Photos

    PHOTOS

    Ligtas at secure ang iyong mga larawan at video mula sa sandaling i-store mo ang mga ito, na protektado ng aming advanced na imprastraktura ng seguridad habang nasa storage o kapag ibinahagi mo ang mga ito. Puwede mong tingnan at baguhin ang mga setting para sa mga face group, piliin kung ano ang iba-back up, at magpasya kung sino ang makakakita sa iyong mga naka-share na album. Binibigyang-daan ka ng mga built-in na tool sa privacy na pamahalaan ang data ng lokasyon at higit pa.

    Visual ng screen ng smartphone na nakabukas ang Google Photos, na nagpapakita ng mensaheng panseguridad na nagsasabing, “Pinapanatiling ligtas at secure ang mga larawan at video na bina-back up mo” na may link para matuto pa. Visual ng screen ng smartphone na nakabukas ang Google Photos, na nagpapakita ng mensaheng panseguridad na nagsasabing, “Pinapanatiling ligtas at secure ang mga larawan at video na bina-back up mo” na may link para matuto pa.
  • Icon ng Google Pay

    GOOGLE PAY

    Pinapanatili ng Google Pay na ligtas ang iyong impormasyon gamit ang built-in na seguridad na nagpoprotekta sa iyo sa bawat pagbabayad. Madaling mag-checkout online o in-store nang may kapanatagang ligtas na naka-store ang iyong impormasyon sa pagbabayad. Ang Google Pay ay nagbibigay sa iyo ng transparency sa kung paano ginagamit ang iyong data, may mga kontrol sa privacy na madaling gamitin, at pinoprotektahan ka gamit ang advanced na seguridad — lahat ng ito para panatilihing ligtas ang iyong pera at pribadong impormasyon.

    Visual ng screen ng smartphone na nakabukas ang Google Wallet, na nagpapakita ng larawan ng credit card na may virtual account number at icon para sa matagumpay at secure na transaksyon. Visual ng screen ng smartphone na nakabukas ang Google Wallet, na nagpapakita ng larawan ng credit card na may virtual account number at icon para sa matagumpay at secure na transaksyon.
  • Product Icons/icon-google.svg

    PIXEL

    Nasa iyong telepono ang napakalaking bahagi ng iyong buhay, at pinapanatiling ligtas ng Pixel ang lahat ng ito. Tumutulong ang Titan M2 security chip na protektahan ang mga bagay na mahalaga sa iyo, mula sa iyong pananalapi hanggang sa iyong mga larawan, habang tumutulong ang mga naka-built in na feature sa kaligtasan na pag-ingatan ang access ng device, protektahan ka laban sa panloloko kapag tumatawag ka sa telepono at mga mensahe gamit ang Pag-detect ng Scam1, mag-detect ng mga pagbangga ng sasakyan2, at higit pa. Kasama sa bawat Pixel ang proteksyon ng VPN3 at 7 taon4 ng mga update sa seguridad, kaya mananatili kang ligtas pagkalabas nito sa kahon.

    Visual ng home screen ng Pixel smartphone na nagpapakita ng notification ng awtomatikong tinanggihang spam na tawag. Visual ng home screen ng Pixel smartphone na nagpapakita ng notification ng awtomatikong tinanggihang spam na tawag.
  • Product Icons/icon-maps.svg

    MAPS

    Gamitin ang Maps sa Incognito mode at hindi mase-save ang iyong aktibidad. Kasingsimple lang ng pag-tap sa iyong larawan sa profile ang pag-on nito, at puwede mo itong i-off sa tuwing gusto mo ng mas naka-personalize na experience. Puwede mo ring gamitin ang Iyong Data sa Maps para tingnan at i-adjust ang iyong mga setting ng history ng data ng lokasyon.

    Visual ng smartphone na nakabukas ang Google Maps, na may on-screen na text na nagpapakitang naka-on ang Incognito mode. Visual ng smartphone na nakabukas ang Google Maps, na may on-screen na text na nagpapakitang naka-on ang Incognito mode.
  • Product Icons/icon-youtube.svg

    YOUTUBE

    Panoorin ang iyong paboritong content sa YouTube, nang may kanapatagang hindi kailanman ibebenta ang iyong personal na impormasyon. Dahil sa aming mga tool na madaling gamitin, ikaw ang may kontrol. Gamit Ang iyong data sa YouTube, kontrolin kung anong data ang sine-save at kung paano ito ginagamit sa platform at sa buong Google. Mag-browse nang pribado gamit ang Incognito mode at i-adjust ang iyong mga setting ng ad para makakita pa ng kung ano ang gusto mo, at mabawasan ang hindi mo gusto.

    Visual ng screen ng smartphone na nakabukas ang YouTube, na nagpapakita ng mensaheng nagbibigay-kaalaman tungkol sa “Ang iyong data sa YouTube” kasama ang mga detalye sa pag-browse at pag-delete ng history ng aktibidad. Visual ng screen ng smartphone na nakabukas ang YouTube, na nagpapakita ng mensaheng nagbibigay-kaalaman tungkol sa “Ang iyong data sa YouTube” kasama ang mga detalye sa pag-browse at pag-delete ng history ng aktibidad.
  • Product Icons/icon-android.svg

    ANDROID

    Kapag ginamit mo ang iyong Android device, aktibong magbabantay ang machine learning laban sa mga bagong banta, habang tumutulong ang mga built-in na pag-iingat na i-block ang mga mapaminsalang app, pagtatangka sa phishing, at spam. Magbibigay sa iyo ng kontrol ang simpleng dashboard ng privacy sa kung paano ginagamit ang iyong data, at tumutulong ang mga advanced na feature sa kaligtasan na protektahan ka sa totoong mundo — mula sa mga alertong pang-emergency hanggang sa pag-detect ng pagbangga at pagtugon.

    Visual ng screen ng smartphone na gumagamit ng Android OS na nakabukas ang mga setting ng Seguridad at Privacy, na nagpapakita ng mga resulta ng pag-scan ng device at mga setting ng seguridad ng app. Visual ng screen ng smartphone na gumagamit ng Android OS na nakabukas ang mga setting ng Seguridad at Privacy, na nagpapakita ng mga resulta ng pag-scan ng device at mga setting ng seguridad ng app.
  • Product Icons/icon-google.svg

    NEST

    Gusto mong mapagkatiwalaan ang mga bagay na dinadala mo sa iyong bahay. At gagawin namin ang lahat para makuha ang tiwalang iyon gamit ang mga device at serbisyong idinisenyo para makatulong na gumawa ng bahay na inaalagaan ang mga tao sa loob nito at ang mundo sa paligid nito. Ang bawat produkto ng Nest ay hiwalay na na-validate, awtomatikong ina-update, at pinoprotektahan ng built-in na seguridad — lahat habang pinapanatiling pribado ang iyong sensitibong data.

    Visual ng screen ng smartphone na nakabukas ang Google Home, na nagpapakita ng dashboard na may sa isang sulyap na impormasyon tungkol sa mga security camera, ilaw, at klima. Visual ng screen ng smartphone na nakabukas ang Google Home, na nagpapakita ng dashboard na may sa isang sulyap na impormasyon tungkol sa mga security camera, ilaw, at klima.
  • Product Icons/icon-assistant.svg

    Google Assistant

    Ginawa ang Google Assistant para panatilihing pribado, ligtas, at secure ang iyong impormasyon. Idinisenyo itong maghintay sa standby mode hanggang sa maka-detect ito ng pag-activate, tulad ng kapag narinig nito ang “Ok Google.” At bilang default, hindi sine-save ang iyong mga recording ng audio sa mga server ng Google.

    Visual ng screen ng smartphone na nakabukas ang Google Assistant, na nagpapakita ng pakikipag-interact gamit ang boses para makapagpadala ng text sa isang miyembro ng pamilya. Visual ng screen ng smartphone na nakabukas ang Google Assistant, na nagpapakita ng pakikipag-interact gamit ang boses para makapagpadala ng text sa isang miyembro ng pamilya.
  • Product Icons/icon-meet.svg

    MEET

    Mas ligtas ka sa bawat level kapag sumali ka sa isang video call sa Meet. Naka-encrypt ang iyong mga pag-uusap habang ipinapadala, habang pinapanatiling pribado ng mga smart na panseguridad na feature tulad ng mga natatanging code ng meeting at pag-verify ng kalahok ang iyong mga meeting. Nagbibigay-daan sa iyo ang pamamahala ng host na pamahalaan kung sino ang makakasali at kung ano ang puwede nilang gawin, habang tinitiyak ng mga built-in na pag-iingat na hindi kailanman sinusubaybayan o ginagamit para sa pag-advertise ang iyong data ng meeting.

    Visual ng screen ng smartphone na nakabukas ang Google Meet, na nagpapakita ng mensahe sa ibaba ng meeting na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa naka-encrypt sa cloud. Visual ng screen ng smartphone na nakabukas ang Google Meet, na nagpapakita ng mensahe sa ibaba ng meeting na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa naka-encrypt sa cloud.
  • Icon ng Google Fi Wireless

    GOOGLE FI WIRELESS

    Tumutulong sa iyo ang Google Fi Wireless na manatili kang ligtas habang tumatawag, nagsi-stream, at nagba-browse. May karagdagang layer ng proteksyon sa seguridad ng Google account ang iyong numero. Bukod pa rito, ang bawat plan ay may kasamang advanced na pag-block ng spam5 na pumipigil sa mga hindi gustong tawag, at VPN6 na nag-e-encrypt sa iyong online na aktibidad para maprotektahan ka laban sa mga hacker at bad actor.

    Visual ng screen ng smartphone na may nakabukas na Google Fi Wireless, na nagpapakita ng row ng mga contact sa itaas at listahan ng mga feature na pangkaligtasan sa ibaba, kabilang ang pag-share ng lokasyon at mga alerto sa data. Visual ng screen ng smartphone na may nakabukas na Google Fi Wireless, na nagpapakita ng row ng mga contact sa itaas at listahan ng mga feature na pangkaligtasan sa ibaba, kabilang ang pag-share ng lokasyon at mga alerto sa data.
  • Product Icons/icon-google-one.svg

    GOOGLE ONE

    Sa Google One, makakakuha ka ng karagdagang storage para sa iyong Google Account, para magkaroon ka ng higit pang space para sa iyong mahahalagang larawan, video, file, at higit pa. Protektado ang pinalawak na storage ng parehong nangunguna sa industriya na imprastraktura ng seguridad sa cloud na kasama sa iyong Google Account.

    Visual ng screen ng smartphone na nakabukas ang Google One, na nagpapakita ng naka-personalize na mensahe ng pagbati at mensaheng nagbibigay-kaalaman tungkol sa storage ng account, kabilang ang mga backup ng telepono at benepisyo ng miyembro, na may link para matuto pa. Visual ng screen ng smartphone na nakabukas ang Google One, na nagpapakita ng naka-personalize na mensahe ng pagbati at mensaheng nagbibigay-kaalaman tungkol sa storage ng account, kabilang ang mga backup ng telepono at benepisyo ng miyembro, na may link para matuto pa.
  • Product Icons/icon-fitbit.svg

    FITBIT

    Gaano karaming hakbang ang ginawa mo, gaano ka katagal natulog, o anupamang sinusubaybayan mo gamit ang iyong Fitbit — protektado ng built-in na seguridad ang data ng wellness mo. Ikaw ang may kontrol sa iyong data ng kalusugan gamit ang madaling mahanap at madaling gamiting mga setting ng privacy.

    Visual ng screen ng smartphone na nakabukas ang fitbit app, na nagpapakita ng larawan para sa full-body strength na workout. Visual ng screen ng smartphone na nakabukas ang fitbit app, na nagpapakita ng larawan para sa full-body strength na workout.

1 Available sa mga Pixel 9 phone sa US para sa mga English lang na tawag. Available lang sa Pixel 6 at mga mas bagong Pixel phone sa US, CA, at UK para sa mga English lang na text message. Hindi 100% tumpak ang Pag-detect ng Scam at patuloy na nagbabago ng mga taktika ang mga scammer. Palaging mag-ingat kapag sumasagot ng mga tawag mula sa mga hindi alam na numero. Tingnan ang g.co/pixel/scam-detection-help para sa higit pang detalye.
2 Hindi available ang Pag-detect ng Pagbangga ng Sasakyan sa lahat ng wika o bansa. Posibleng hindi lahat ng aksidente ang made-detect ng Pag-detect ng Pagbangga ng Sasakyan. Posibleng ma-trigger ng mga aktibidad na malakas ang impact ang Pag-detect ng Pagbangga ng Sasakyan. Nakadepende ang feature na ito sa pagkakonekta sa network at iba pang salik at posibleng hindi ito maaasahan para sa mga pang-emergency na komunikasyon o available sa lahat ng lugar. Tingnan ang g.co/pixel/carcrashdetection para sa mga detalye.
3 May mga nalalapat na paghihigpit. Hindi ipinapasa sa pamamagitan ng VPN ang ilang data. Hindi available sa lahat ng bansa. Posibleng lumaki ang gastos sa data dahil sa paggamit ng VPN depende sa iyong plan. Tingnan ang g.co/pixel/vpn para sa mga detalye.
4 Magbibigay ng update ang Pixel sa loob ng 7 taon mula noong unang naging available ang device sa Google Store sa US. Tingnan ang g.co/pixel/updates para sa mga detalye.
5 Bina-block ang spam na alam ng Google; posibleng hindi ma-detect ang lahat ng spam na tawag.
6 May mga nalalapat na paghihigpit. Hindi ipinapasa sa pamamagitan ng VPN ang ilang data. Posibleng lumaki ang gastos sa data dahil sa paggamit ng VPN depende sa iyong plan. Hindi sa lahat ng bansa available.